Chapter 1 “Love Enemy”
“Arabella,
ano pinayagan ka na ba ng daddy mong sumama sa amin?” tanong ni
Dalia.
“Kinukulit
ko pa.. ilang araw nang bad mood si daddy tapos hindi pa nawawalan ng tao sa
bahay.” Paano ka naman makaka-pagpaalam ng ganun?”
<sigh>
“Sayang
kung hindi ka makakasama sa amin sa Sagada. Makakapag-relax tayo dun bago mag
start ang school year natin. “
“Oo
nga Arabella, sumama ka na? Sayang din ito ngayon lang ulit tayo
makakapag-bakasyon ng matagal-tagal.” Dugtong ni Mona.
Last
year na namin ito sa kursong Chemical Engineering. Chemical
Engineering
basically is applied chemistry. It is the branch of engineering concerned with
the design, construction, and operation of machines and plants that perform
chemical reactions to solve practical problems or make useful products. Hindi
ako o kaming magkakaibigan ay matatalino pero hindi rin naman kami mga bobo o
walang laman ang utak, sabihin na natin na nasa average lang
kami.
Ito
ang aking mga kaibigan. Sina Mona, Dalia at Adela. Nabuo ang pagkakaibigan dahil
iisa ang mga gusto namin, ibig sabihin iisa ang mga tinatakbo ng isip. Gaya nga
nitong kursong kinuha namin, weird para sa iba dahil mga babae kami, pake namin
eh eto ang trip namin. We love searching, solving facts dahil curious kami sa
lahat ng bagay.
Napag-usapan
naming magkakabigan na magbakasyon bago sumabak sa eskuwelahan. Kung noon
medyo petiks
petiks pa kahit marami projects pero this time we need to be
serious.
Kailangan
ko talagang makausap ang daddy para payagan akong magbakasyon. Ewan ko ba sa
aking ama malaki na ako pero baby parin ako kung
ituring.
“Dapat
nakapag-paalam ka na dahil next week na ang punta natin doon. “ excited na wika
ni Dalia.
“Oo,
basta wait lang! Hanap ako ng tiyempo para makausap si
daddy.”
“If
you need help, call or text mo lang kami. Hindi kami tutuloy kapag hindi ka
kasama, kailangan kumpleto tayo.”
“Thank
you mga friends. Kaya labs na labs ko kayo eh..”
“Aba
pag-hindi tayo natuloy sa buong bakasyon na iyon ikaw ang taya sa lahat ng lakad
natin.. hahahaha. “ Nang-aasar na Mona.
“Graveh
ka naman Mona… iba nalang basta huwag yun?” Palambing kong sagot sa
kanila.
“Hahahahaha…
ikaw naman hindi na mabiro. “
“Ang
balita ko marami raw wafu dun sa Sagada?” Kinikilig na Adela.
“Sobra
ka naman maka-kilig Adela, maghunus dili ka baka may makakita sayo at
mapagkamalan kang baliw.”
“Ito
namang si Mona hayaan mo na ako, wala naman nakakakita eh! tsaka ikaw kinikilig
ka rin naman pag-nakikita mo si Jerome ah!.”
Biglang
nag-blush si Mona”bakit halata ba ako? “Pa-inosenteng tanong ni
Mona.
“As
in, sobrang halata na nag-bublush ka.” Nyahahaha.
Kasalukuyan
silang nasa Gym ng school, last day na ng Semester nila at doon nila
pinag-usapan ang planong pag-babakasyon sa Sagada.
***
“Ano
bro. tuloy na tuloy na tayo ha! at huwag ka nang tumangi. Kung ako kailangan ng
bakasyon lalo na ikaw ngayon ka palang magbabakasyon simula nang itake-over ang
company.”
“Oo
na, sasama na ako, so sobrang kulit mo halos araw-arawin mo
ako.”
“Hahaha..
wala ka na talaga magagawa bro. kasi kahit tumangi ka pa ikakaladkad kita para
lang makasama ka.”
“Ikaw
Dave kahit kailan basta sa babae gagawin mo lahat mapa-ibig mo
lang.
“Ganyan
talaga.. eh sa mahal ko kaya nga kahit sa kasuluksulukan ng mundo susundan ko
siya ganun ko siya kamahal.”
“Baduy
mo talaga…”
“Ingit
ka lang kasi torpe ka. Marunog ka bang manligaw?”
“Batukan
kaya kita, ayoko lang ng padalos-dalos. “
Dalawang
lang kaming magkapatid ni Dave, siya ang bunso. Ulila na kami ni Dave. Naalala
ko pa noong bata ako, nakita ko kung paano pinatay ang aking ama pero hinding
hindi ko makakalimutan kung sino ang pumatay dito. Nang tanungin ako ng mga
pulis kung sino hindi ako nagsalita dahil sumumpa ako sa sarili ko na ako mismo
ang papatay sa kanya. Ang aking ina naman ay inatake sa puso nang makitang
nakahandusay ang aking ama.
Lumaki
kami sa pangangalaga ni Yaya Mila matagal nang naninilbihan sa amin, siya ang
itinuring naming pangalawang ina.
***
Pag-uwi
ko sa bahay. “Hi Daddy,” bungad ko pag-pasok ng bahay. Kasalukuyang may ginagawa
ito sala. Sana naman po nasa mood si daddy para payagan ako magpunta sa Sagada.”
Nandito ka na pala?” ” Kararating ko lang po daddy.”
“Pumasok
ka na sa loob at maka-kain ka na ng hapunan.” Nakayuko pa din ito at abala sa
pag-babasa ng papeles.
“Kayo
po daddy hindi niyo po ba ako sasabayan sa hapunan?”
“Mauna
ka na at susunod na ako. Tapusin ko lang ito.”
“Ok
dad” at tumungo na ako sa kwarto para maka-bihis.
“Daddy,
ah.. ah.. pwede po bang mag-paalam sa inyo? Tutal naman po bakasyon namin
ngayon, may balak po kaming mag-kakaibigan na sa Sagada
mag-bakasyon.”
“Sagada?
Ang layo nun? Ilang weeks ba ang bakasyon niyo at bakit dun niyo pa napiling
magpunta?
“Dad
may 1 and half month lang kaming bakasyon. 3 weeks lang po kami mag-stay dun
balik na kami dito para ayusin ang schedules namin para sa darating na
enrollment. Maganda naman dun dad, mare-refresh kami dun.
Close
kami ni daddy lahat sinasabi ko sa kanya, wala na si mommy, she died after she
gave birth to me kaya protective masyado.
“Ok
papayagan kita dahil may tiwala ako sa’yo but anything problems tawagan mo ako
at susunduin kita doon.”
“Talaga
daddy?”.. tumayo ako at niyakap ko siya ng mahigpit. “I love you daddy. Thank
you, thank you so much.” Mwahhh
Pagkatapos
ng hapunan umakyat na kaagad ako sa kwarto ko at tinawagan sila Mona para
ibalita na pinayagan na ako.
“Oh!
Arabella napatawag ka? Don’t tell me kailangan naming sumugod diyan para
ipag-paalam ka?”
Sinuspense
ko muna siya para hindi ako mahalata na pinayagan na ko. Bibiruin ko muna siya..
hahahaha
“Hay,
nagsabi ako kanina pero hindi ako pinayagan. ”
“Gusto
mo pumunta kami diyan? Hindi na Mona baka masigawan pa kayo.”
“Ok
lang friend pewde rin naman matuloy ito pagka-graduate natin.
Hehehehe”
“Ano
ka ba Mona next year pa iyon kung sakaling maka-graduate nga
tayo.”
“Don’t
say bad words.. kaya natin ito noh! At makaka-graduate tayo basta magtulungan
tayong apat. “
“Hahahahahaha..
nakaka-tawa ka talaga Mona.” Hahahaha..
“Aber
ano ang nakakatawa sa sinabi ko ha! “
“Kasi
sarap mong asarin.. hahahaha. Akala mo hindi ako pinayagan noh!” We’ll saktong
good mood si daddy kaya pinayagan ako.”
“Talaga!
Ikaw kung nandiyan lang ako sa tabi mo binatukan na kita.
Arrggg”
“Hahahaha..
Ang dami kayang tanong ni daddy bago ako pinayagan.” Buti nalang may tiwala si
daddy sa akin.”
“So
kailan tayo aalis?
“Sa
lunes pa po, kaya may two days pa para makapag-ready ka.”
“Ah
ok, inform mo nalang ako kung saan tayo magkikita-kita ha!.”
“Ok
friend.. call you later. Mwahh. Gudnite. Sweetdreams”
Si
Mona ang pinaka-close friend ko sa kanilang tatlo. Nagsasabi ako ng secrets kay
Dalia at Adela pero si Mona ang nakaka-alam lahat talaga ng scerets
ko.
Sa
kasarapan ng pagtulog ko… blag! blag! blag. Ano ba yun ang ingay
naman.
Kakaasar
lagi nalang ganito,kahit hating-gabi may dumadating na bisita. Minsan nakakapag
duda narin ang work ni daddy. Puro mga mukhang sanggano ang madalas pumupunta sa
kahit gabi.
sundan
ang story sa link sa baba
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento