ONE LAST
DATE
Teaser:
Katelyn lives her life bitter. Loner at palaging masungit. Iyan ang
pinagsisigawan ng kapatid niya at sinabing walang lalakeng magtatiyaga sa ugali
niya. But the hell she care.
Hanggang sa dumating ang kinakapatid niya na si Seoff galling New York at ginulo
na nito ang buhay. Madalas siyang kinukulit nito at ginagalit sa maraming
pagkakataon.
Ngunit
sa kabila ng lahat, hindi napigilan ni Katelyn ang puso na mahulog dito dahil
lubos niyang nakilala ito. At sa unang pagkakataon ay natuto siyang magpahalaga.
Hanggang malaman niya na isa lang pustahan ang lahat. Na hindi siya mahal nito
at pinagbigyan lang nito ang nag-iisa niyang kapatid.
Caption:
“Wala akong
pakialam kung anuman ang nakaraan mo. Ang mahalaga ay ang ngayon at ang
kinabukasan nating dalawa na magkasama.”
“Masaya ako
kapag kasama kita. Kapag kausap ka. Wala na akong mahihiling ngayon kundi ang
maging asawa kita. At mabuhay kasama mo. My life has just begun that I have you
now with me.”
“Sabihin mo
sa’kin kung paano pigilan ang nararamdaman ko sa’yo. Habang lalo mo akong
inilalayo sa’yo, lalo lang nadaragdagan ang kagustuhan kong mapalapit sa’yo.
Kate, Just let me fall for you.”
“Mahal kita.
Matagal ko nang nararamdaman ito. Hindi ko lang maamin dahil sa katangahan
ko.”
CHAPTER
1
Tahimik na naupo
si Katelyn sa kaliwa ng mommy niya habang ito ay nasa kabisera. Nakatungo ito
at seryosong nagbabasa ng broadsheet. Kasunod niya ay ang kapatid niya na si
Anika na naupo katapat niya. In front of them was one heavy breakfast
meal.
“Mom.” Narinig
niyang tawag ni Anika. Kumilos ang mga mata niya upang tingnan ito at gumalaw
muli iyon patungo sa ginang.
“Can I ask you
something?” patuloy ni Anika sabay subo ng sandwich. Napailing siya habang
sinasalinan ng fresh orange juice ang baso niya. Sigurado siyang may ikukulit na
naman ang kapatid niya.
“Ano ‘yon?”
maiksing tanong ng ginang.
“Ahm…may
vacation house sa Bulacan ang parents ng classmate ko. He invited-”
“He.” Biglang
umangat ang mga mata nito nang marinig ang huling sinabi nito.
“Yeah, He. Dahil
lalake siya.” Anika said.
“At may
kinalaman ba ang ‘He’ na ito sa itatanong mo?” tanong nito na muling ibinalik
ang tingin sa babasahin. Inabot ng kanang kamay nito ang tasa ng kape at ininom
iyon.
“Mom.” Napipikon
nang sabi nito. Nakita nitong nakangisi siya kaya binigyan siya nito ng masamang
tingin.
“The
answer is still no.” Hindi pa man nalilinaw ni Anika ang pakay ay sagot kaagad
ang sinabi ng ginang. She grinned.
“Naman! Mom-” hindi nito naituloy ang isasambit nang makita nitong pinadidilatan
niya ito.
Sa
ganoon madalas nauuwi ang pag-uusap nilang mag-iina kapag magpapaalam si Anika
na may nais makipag-date dito. Dahil hindi pa nangyayari na pumayag ang mommy
nila na may manligaw kay Anika. Ang dahilan ay nag-aaral pa ito.
Anika is
currently second year college and pursuing Bachelor of Science in Architecture
and just turned eighteen. Samantalang siya ay freelance interior designer na. At
kung gaano kabrusko ang kurso nito ay siya namang kabaligtaran ng ugali nito.
Ito nga dapat ang kumuha ng kursong design at hindi siya.
Her
sister was a natural diva. Mahilig sa mga gimmick at mahilig makipagkaibigan.
Kahit na gumuguhit ito ng mga plano ay pumipilantik naman ang mga daliri nito sa
kaartehan. Mga katangiang hindi makikita sa kanya. She was the perfect opposite
of her sister except on the gender. At dahil na rin sa taglay nitong kagandahan
na nakuha nito sa kanilang ina ay hindi mapipigilan na may mga kalalakihan na
manligaw dito. Na mahigpit namang tinututulan ng ginang.
“Ikaw,
Kate? Wala ka bang date?” tanong ng ginang at napanganga si Anika.
Sa tuwing
hihirit ang kapatid niya ng pagpapaalam ay sa kanya nito ipinapasa ang
pakikipag-date. Kung anong tigas ng patakaran nito na hindi pa maaaring
magka-boyfriend ang kapatid niya ay siya namang pagtulak nito sa kanya na
magkaroon. At her age of twenty-five and still single, dapat daw na magboyfriend
na siya. The idea that she hated.
Sandaling nahinto ang pag-abot niya sa tray ng loaf bread at pasimpleng umismid.
Hindi man siya nagulat sa sinabi nito ay hindi pa rin niya naiwasang
mainis.
“Mukha
ba akong desperadong magka-boyfriend kagaya ni Nikka?” may halong iritasyon
niyang tanong.
Umangat ang ulo
nito at tumingin sa kanya. Itinupi nito ang broadsheet nang nakatingin pa rin sa
kanya at inilapag iyon sa gilid ng mesa. Muli itong uminon ng kape.
“Bakit
ba may pakiramdam ako palaging ayaw ko sa sagot mo? You are always taunting.”
Kalmado ngunit seryoso nitong sabi.
Umangat nang bahagya ang kilay niya. “I’m Sorry. Hindi lang kasi maganda ang
tanong ninyo.”
“At
sino namang lalake ang mag-aaksayang makipagdate sa’yo, aber? Look at you
sister. Daig mo pa ang witch sa hitsura mo.” Ganting pangbubuska ni Anika. She
just smirked. Wala kasi siyang nakikitang mali sa kanyang histura. Para nga sa
kanya ay mas mukhang disente pa siya kaysa dito na palaging na mini-dress at
makapal ang make-up.
“And
look at you little sister-”
“Hindi
na ako bata, Manang.” Agap ni Nikka.
“At
ano ka naman? Paris Hilton wanna be.” She sneered.
Umangat ang gilid ng labi ni Nikka tanda ng inis nito sa kanya. At akmang
magsasalita ito nang sumabad ang ginang.
“Girls! Walang sinabi sa inyo ang mga palengkera sa lakas ng boses
ninyo.”
Umikot
ang mga mata niya saka sumandal at ganoon din ang ginawa ng kapatid niya. Hindi
na bago na magtalo sila sa harap ng mommy nila dahil sa pagkakaiba ng ugali
nila. Nasa pitong taon ng agwat ng edad nila at sadyang magkaiba ang mga
nakahiligan nila kaya maraming bagay din ang hindi nila napagkakasunduan. Isa na
nga doon ang konsepto ng pakikipagrelasyon.
Not
the she was a self confessed feminist. Ito lang bagay na sa tingin niya ay hindi
gustong pagtuunan ng pansin. Isang pag-aaksaya ng oras at lakas ang ‘boys
hunting’ na gustong-gustong ginagawa ni Anika. Bukod sa pagdi-design ay inuubos
niya ang oras sa pagbabasa ng kung anung-anong libro tungkol sa general
knowledge. Kaya nagmumukha siyang anti-social dahilan upang maging aloof ang
ibang tao sa kanya. Even Anika called her unfriendly. Ngunit anuman ang sabihin,
kahit salungatin man ni Anika ang pag-uugali niya, alam na alam ng mga ito kung
bakit bigla siyang nagbago at naging sarado sa pagngiti.
“Mom,
please? Until what age you’ll let me date? Promise ko naman-”
“At
sasabihin mo sa’kin na buntis ka. Nagbabasa ka ba ng newspaper kagaya nito?”
putol nito saka itinuro ang broadsheet sa tabi.
Anika
rolled her eyes in boredom. “Mom, pwede ba? Dudugo na ang tainga ko sa mga
sinasabi mo. It is a common issue, I knew it now. At hindi ako stupid to ruin my
life.”
“And I
am not stupid either to finance you if ever you get pregnant.” Mabilis na sagot
ng ginang sa tonong tila hindi nagbibiro.
Halos
matapon mula sa bibig ni Kate ang iniinom nang hindi mapigilang tumawa. Mukhang
marunong sumagot ang mommy niya para hindi lumusot ang kapatid. At natatawa siya
sa nakikitang hitsura ni Anika.
Malakas na napasinghap si Anika dahil sa narinig. Pikon na pikon na ito at
mukhang nawalan na ito ng ganang kumain dahil tumayo na ito.
“Well,
siguro kailangan kong maging old maid kagaya ni Ate.” Said Anika
mocking.
“Ano?
Ako, Old maid?” she reacted surprisingly.
“Oo!”
“Nikka, tama na.” Saway naman ng mommy nila at inis na umalis si
Anika.
“Nikka! Saan ka pupunta?” Tawag ng ginang dito ngunit hindi pinansin ng dalaga
ang ina.
“Kailan ba niya maiintindihan ang sinasabi ko?” iiling-iling na tanong na mommy
niya.
“Kapag
naging old maid siya?” nakaangat ang mga kilay niyang sagot.
Nagbuntong-hininga ito. Umalis ito sa pagkakasandal sa upuan saka nagsalita.
“Let’s forget that old maid thing. Hindi naman ako naniniwalang hindi kayo
mag-aasawa. Gusto ko lang na matapos muna ni Nikka ang pag-aaral kagaya
mo.”
“Yeah.
Iparinig n’yo ‘yan sa kanya at greater than hysterical na naman ‘yon.” Patuya
niyang tugon at ininom ang juice.
“I don’t intend
on that aspect.” Hindi siya pinapatulan nitong tugon. “Anyway, tutal
pinag-uusapan na rin natin ang tungkol sa date. Maybe-”
Kunwa’y may
bigla siyang naalala at tumayo. Gusto niyang iwasan ito sa sasabihin nito dahil
sigurado siyang may i-rereto na naman ito sa kanya. Hindi na yata ito mauubusan
ng single guy na ipapareha sa kanya.
“I have to go na
pala, Mom. Kailangan kong i-meet ‘yong kliyente ko.” Sinasabi niya iyon habang
inuubos ang kanyang juice.
“At kailangan
talagang umiwas ka?” pagpigil ng ginang.
“No.” kunot ang
noo niya. “I just need to go.”
“But I
was supposed to tell about your ninang Sabrina’s son has just arrived last week
from New York. At may inihandang party ang ninang mo dahil wedding anniversary
din nila. We’re going.”
Mabilis siyang umiling upang tumanggi. “I can’t. Si Nikka na lang
isama nyo
clicked this link para mabasa nyo lahat .
thanks
http://readmephr.blogspot.com/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento