Pilak Na Bughaw
Ang
Salvacion at Awitan ay dalawang barangay na magkatabi pero magkaiba. Barangay ng
mayayaman ang Salvacion, barangay naman ng mahihirap ang Awitan. Ang barangay
captain ng Salvacion ay ang miyembro ng The Zodiac Club na si Francis, ang
barangay captain naman ng Awitan ay ang mahirap pero maganda at matalinong si
Nevada. Maliliit pa sila noon ay magkaaway na, at napatunayan pa nila na mahirap
palang kalimutan ang marka ng nakaraan lalo na kung ang puso mismo ang
nasugatan. Ang historical background ng mga Barangay Salvacion at Awitan ay
magkaibigan at nagtutulungan, pero ngayon na sina Francis at Nevada na ang mga
barangay captains, parang nagkakaroon ng matinding labanan!
click
the link below to continue reading
TAON 1983. Ang okasyon ay
Barangayan.
Dalawang magkatabing
barangay, ang Awitan at Salvacion, ang may sharing activities. Nakasanayan na
ito ng dalawang barangay na magkaroon ng social activities na pinangalanan ngang
Barangayan mula pa noong mid-seventies. Ipinagpapatuloy ito hanggang ngayon
dahil nakikita naman na masaya at may positibong resulta. Nawala kahit
pansamantala lamang ang gap ng dalawang barangay. Dapat lang naman kastng
magkaroon ng gap dahil magkaiba ng economic make-up ang dalawang barangay na
ito. Sa Barangay Awitan, ang karamihang nakatira rito ay mahirap ang antas ng
kabuhayan, ang tinatawag na masa. Ang Barangay Salvacion naman ay kabaligtaran.
Ito ang barangay ng mayayaman, malalaki ang bahay, nasa bakuran ang mula dalawa
hanggang apat na kotse, karamihan sa mga padre de familia ay malalaking
negosyante at industrialist pa nga ang iba.
Ang Barangay Salvacion, sa pangungulo ng kanilang mga barangay elected officers, ay nag-extend ng kamay para makipag-ugnayan sa Barangay Awitan. Noon pa ngang mid-seventies.
Ang Barangay Salvacion, sa pangungulo ng kanilang mga barangay elected officers, ay nag-extend ng kamay para makipag-ugnayan sa Barangay Awitan. Noon pa ngang mid-seventies.
Natural, kung sino ang
mayaman, ito ang dapat lamang na maging humble enough na mag-abot ng friendly
gesture sa kanyang counterpart na mahirap.
Nagustuhan naman ng mga
taga-Awitan ang pakikipag-ugnayan sa kanila ng mga taga-Salvacion. Kaya naging
tradisyon na taun-taon ang Barangayan na ito.
Sa panahon naman ng krisis,
halimbawa’y kung binabaha ang mga taga-Awitan, ang unang-unang tumutulong sa
kanila ay ang mga tao sa Barangay Salvacion.
Sa gabing ito ng Barangayan
ay mahaba ang programa. May speech ang mga opisyal ng dalawang barangay.
Kumbidado ang alkalde na si Mayor Eusebio at nag-speech din ito. May sense of
humor ang alkalde at hindi ito nagsalita nang mahaba kaya umani ito ng
masigabong palakpak mula sa mga tao. May song numbers. May comedy skits. May
sayawan.
At dito sa sayawan nakasali
ang dalawang bata, isang babae at isang lalaki.
Si Nevada ang babae, si
Francis naman ang lalaki. Magkaedad sila. Maganda at lista si Nevada, guwapo at
alisto naman si Francis. Silang dalawa ang magkapareha sa modern dance na ito.
Sinadya na sa dance number na ito ay halo ang mga participants. Ang mga babae ay
nagmula sa Barangay Awitan, ang mga lalaki naman ay nagmula sa Barangay
Salvacion.
Nakataas ang isang kilay ni Nevada habang pinakatititigan ang pangalan ni Francis. Ang pirma ni Francis doon ay original. Ang maliit na detalye ay hindi pinalampas ni Nevada. Halatang ang texture ng pen na ipinampirma ay pino, na ang ibig sabihin ay mula sa pen na mamahalin.
KAUGALIAN na rin na sa
alliance ng Awitan at Salvacion, ay mauunang mag-extend ng imbitasyon ang
barangay officers ng Salvacion sa mga barangay officers naman ng
Awitan.
Ang imbitasyon tungkol sa
unang formal and social meeting ng dalawang set of officers ay naipadala na sa
barangay hall ng Awitan.
At ito ay napasakamay ni
Nevada isang Biyernes ng umaga.
Ang nakapirma sa
imbitasyon, siyempre, ay si Francis Legaspi.
Nakataas ang isang kilay ni Nevada habang pinakatititigan ang pangalan ni Francis. Ang pirma ni Francis doon ay original. Ang maliit na detalye ay hindi pinalampas ni Nevada. Halatang ang texture ng pen na ipinampirma ay pino, na ang ibig sabihin ay mula sa pen na mamahalin.
Napaismid siya. Hindi niya
maikaila na dahil kay Francis ay nabibigyan niya ng focus ang kaibahan ng set of
officers sa Salvacion sa set of officers ng Awitan. Sa Salvacion, pipirma lamang
sa imbitasyon ang barangay captain, maaamoy mo na ang pinanggalingan nitong
yaman. Sa barangay hall naman ng Awitan, may ballpen din naman, pero kung minsan
nga ay ayaw pang sumulat kahit bagong bili, dahil sa tabi-tabing tindahan lamang
nanggaling.
Pero kinontrol niya ang
sarili. Pinaalalahanan.
Nevada, ano ba ang sabi ng
tatay mo? Huwag mong pairalin ang personal mong panghuhusga kay Francis Legaspi.
Maging propesyonal ka sa iyong trabaho at tungkulin. Kalimutan mo muna na may
kinikimkim kang galit.
Okey. Susundin ko ang tatay
ko. Tama siya, e, sabi niya sa sarin.
Pero teka, iba naman ako
kaysa tatay ko at sa mga sumunod pa niyang barangay captain.
Katulad na lamang ng
imbitasyong ito. Bakit naman may petsa at oras kaagad kung kailan ang social and
formal meeting ng dalawang set of officers?
Alam ko, ito ang nakagawian
noon pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento